07:00 PM
"Kelly, maraming patients, so ganito hatian...si patient A, di pa na-send yung labs kasi wala talagang pera, si patient B, paki-follow-up daw yung trop I stat, si patient C baka i-akyat sa dialysis so standby, si patient D mukhang titignan muna ng MICU senior, tapos si patient E, paki-dress daw yung paa...tapos ito yung decking based dun sa time kung kailan tayo dumating dito...so ikaw first monitoring, last on deck"
"Uy, ang toxic mo talaga! Sige, bye!"
07:01 PM - 07:10 PM
100/70...100/60...90/60...130/80...120/70...140/90...150/80 (adjust dose)...ad infinitum
Opo, normal po. Maayos po. Di po yun anemic. Ito po ang normal niya. Opo, 120/70. Mataas na. Mataas pa rin po...ad infinitum
07:10 PM
"Kelly, i-follow up mo raw labs ng patient mo kung na-send na"
Hay na-ipit na naman ang monitoring ko. Asan na ba yung pasyenteng yun?
*lalapit sa bantay*
Ate, may pampadala na po kayo sa dugo niya?
"Eh wala eh."
(She turns back to playing whatever game on the PSP dangling from her neck and resumes kicking her right foot to and fro.)
(Wow, may pang-PSP siya pero walang pambayad ng 250?)
07:10 PM - 07:15 PM
100/70...100/60...90/60...130/80...120/70...140/90...150/80 (adjust dose)...ad infinitum
Opo, normal po. Maayos po. Di po yun anemic. Ito po ang normal niya. Opo, 120/70. Mataas na. Mataas pa rin po...ad infinitum
*looking for patient X. NAWC since 4 PM*
07:15 PM
*may kumakalabit na bantay*
(Bantay who seems slightly drunk [at 07:15 PM!] in a most condescending tone) "Nurse, kunin mo BP ko."
Kuya, mga pasyente po muna uunahin ko, may 25 pa ako kailangan ikutin...
"Bakit hindi pwede kami ngayon? Ha, diba nurse ka? Ano bang pangalan mo?"
*Trying to evade the spittle from said bantay's mouth*
Kuya, kung gusto niyo po, pumunta muna po kayo sa AMBU, di ko talaga kaya kayo asikasuhin sa dami ng pasyente. At doktor po ako, di po ako nurse. Pasensya na po.
07:20 PM - 07:23 PM
*Psych resident* "Ma'am, paki-BP naman to."
Sir, 70/40 po.
"Ay, dalhin to agad sa resus!"
*wheels patient to resus area and proceeds to have a paramedical give me a stink-eye because I wheeled a patient in*
"Bakit yan dinala dito?!!"
Sir, 70/40 siya. Psych patient.
"Bakit dito sa resus? Eh bakit ngayon lang dinala dito?"
(Hay naku kuya, rhetorical questions ba raw ang peg? Dadalhin ko ba yan dito kung gising to at maayos ang BP?)
07:23 PM
"Miss, di pa ba kami dadaanan ng doktor?"
Ano po apelyido ng pasyente?
*checks list, patient's name not there, and belatedly realizes patient is decked to another service, makeshift sling and all*
Nay, paki-tanong po sa loob sa may Ortho, di po kasi namin siya pasyente
"Eh, bakit nga wala pa yung doktor?"
Di po namin kilala yung doktor ninyo, sorry po.
07:24 PM
*may kumakalabit na isa pang bantay*
"Nurse, wala nang dikstros"
(Ah, the all-powerful panacea, IV fluid.)
Sige po, pakisabi na lang po sa nurse ninyo na naka-violet sa loob.
"Sa loob?"
(Hay, ate.) Opo sa loob.
07:24 PM - 07:33 PM
100/70...100/60...90/60...130/80...120/70...140/90...150/80 (adjust dose)...ad infinitum
Opo, normal po. Maayos po. Di po yun anemic. Ito po ang normal niya. Opo, 120/70. Mataas na. Mataas pa rin po...ad infinitum
07:34 PM
*sees a patient eating a Chickenjoy meal happily amidst the horrid smell of his DM foot*
07:34 PM-07:37 PM
"Kelly, si patient D daw, paki-extract ng bagong labs. May bagong orders galing sa MICU"
*prepares supply list for patient D*
Tatay, punta po kayo sa pharmacy, pakibili po ng gamit, kailangan po natin kunan ng dugo si Kuya.
"Saan ang pharmacy? Kailangan na ba ngayon? Masakit na kasi yung paa ko."
Sige tatay, yung isang bantay na lang muna. Kayo muna mag-bomba kay Kuya.
"Hindi ako marunong."
Tatay, susundan lang po natin yung paghinga ni Kuya. Sige po, pisil tapos 1-2-3, pisil tapos 1-2-3. Sabihin niyo na lang po sa kasama ninyo dalian na lang.
*bantay proceeds to pump the bag with all his might, completely out of sync with patient's breathing pattern*
Tatay, dahan dahan lang po, pisil, 1, 2, 3...
07:37 - 07:44 PM
100/70...100/60...90/60...130/80...120/70...140/90...150/80 (adjust dose)...ad infinitum
Opo, normal po. Maayos po. Di po yun anemic. Ito po ang normal niya. Opo, 120/70. Mataas na. Mataas pa rin po...ad infinitum
07:44 PM
*checks ACU logbook and realizes patient X was already brought to the ward at 4 PM, hence "NAWC" and erases name from monitoring list*
07:45 PM
*uupo saglit*
Siomai na hilaw naman, patapos pa lang ako ng monitoring, magsisimula na ako ulit. Teka may trop I pa si patient B (sana may kumuha na ng labs), tapos si patient C baka kailangan ko makipag-switch para ma-i-akyat sa dialysis.
07:45 - 07:56 PM
(At the labs counter)
Ma'am, sa ACU po
Pangalan?
Intern de Guzman po
*handed a stack of labs that unfortunately does not have patient B's result and checks with lab inside*
Ma'am may trop I na ba sa ACU patients?
"Tignan mo diyan sa listahan"
Andito po, kanina pa pong 5:30 PM ma'am
"Tignan mo yung number diyan"
62 po.
"Tignan mo dito sa screen. Mamaya pa yung print-out niyan ha."
*writes down result*
Thank you po.
Ma'am, yung trop I ni patient B, 0.1 po.
"Ah, okay. Sige, mamayang 11, extract ka ulit. Tapos bigyan mo nitong bagong reseta yung bantay"
Yes ma'am.
07:57 PM - 07:59 PM
"Kelly, pakitignan mo raw yung dressing ng DM foot, dumudugo raw. Baka kailangan ng re-dressing. Tapos may FBS siya dapat kanina, pero di nagawa. Habulin na lang daw kung di pa kumakain yung patient."
(Shucks, lumalamon na ng Jollibee yun kanina nung dumaan ako.)
"Pakidagdag daw sa monitoring yung intubated dun sa Bed 9 sabi ng Neuro. With NVS and pupils daw."
"Yung patient mo na isa, iaakyat na raw sa dialysis maya maya. Sabihin daw sa relatives, i-handa na lahat ng gamit at meds. Sabi ng fellow, wag na wag kang aakyat kung walang diazepam, nag-seizure kasi yan."
"Si patient A daw pakikulit yung labs na bayaran na. Hinihintay na kasi kanina pang morning. Malamang hemolyzed na yung iba so extract na lang din ng bago."
08:00 PM
Here we go again...
No comments:
Post a Comment